Friday, July 25, 2025
HomeHot TopicsGatchalian: Hindi Kami Naloko ni Imburnal Girl

Gatchalian: Hindi Kami Naloko ni Imburnal Girl

Nilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi sila naloko o nabudol ni Rose, na mas kilala bilang “Imburnal Girl.”

Sa isang panayam noong Hunyo 22 sa programa ng One News na “The Long Take,” sinabi ni Gatchalian na bahagi si Rose ng “Pag-abot Program” ng DSWD, na layuning tulungan ang mga pamilyang nakatira sa kalsada.

“Hindi kami nabudol. Simula pa noong 2023, utos ng pangulo na walang dapat naninirahan sa kalsada,” sabi niya.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na may 100+ social workers ang ahensya na 24/7 tumutulong at nag-aabot ng tulong sa mga nasa lansangan. “Kahit sino ka pa, basta sa kalsada ka nakatira, lalapitan ka namin,” dagdag niya.

Hindi raw biglaang binigay ang ₱80,000 kay Rose. Ayon kay Gatchalian, dadaan muna ito sa proseso at tututukan kung mapupunta talaga ito sa itinayong sari-sari store.

“Hindi ‘yun isang bagsakan lang. May gabay pa rin mula sa amin,” paliwanag niya.

May mga nagalit sa social media matapos makita si Rose na tila bumalik sa dating bisyo. Pero giit ng DSWD, hindi sila namimili ng tinutulungan. Ang layunin nila ay tulungan lahat ng nangangailangan.

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisment -

Most Popular

Recent Comments