DAVAO CITY, Pilipinas, 15 AGOSTO 2026 — Niyanig ng internet sensation at “Reyna ng Good Vibes” na si Zeinab Harake Parks ang Davao Whisky Park nitong Biyernes matapos dagsain ng halos 2,000 na sabik na fans para sa isang gabing punong-puno ng laro, hiyawan, at papremyo na handog ng Casino Plus, ang isa sa mga nangunguna at licensed responsible digital entertainment platforms ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa bansa.
Nakakabingi ang mga “Zebbies” na walang-humpay na sumisigaw ng “Arat na, Zeinab!” hanggang hatinggabi. Ito ang opisyal na unang pagpunta ng social media star sa tanyag na Kadayawan Festival at kanyang ikalawang pagbisita sa Durian Capital ng Pilipinas.
Bilang bahagi ng misyon ng Casino Plus na maghatid ng world-class na saya sa bawat sulok ng bansa, todo-hataw si Zeinab sa pag-aliw sa madla. Nakipag-group selfie ito mula sa entablado, kumuha ng on-the-spot TikTok videos kasama ang limang swerteng meet-and-greet winners, at emosyonal na nagpapasalamat sa init ng pagtanggap ng mga Davaoeño.
Ibinahagi rin ng sikat na influencer kung bakit solid ang pagmamahal niya sa Casino Plus:
“I get to explore every city sa Philippines. Ngayon, andito ako sa Davao. Looking forward pa ako sa ibang cities and provinces para sa Casino Plus event. Excited pa ako sa maraming-marami pang provinces,” sabi ni Zeinab.
Hindi lang si Zeinab ang nagdala ng saya sa gabi dahil pinagkaguluhan din ng mga festivalgoers ang Hantak-themed games. Bukod sa libreng refreshments at pagrampa ng mga sikat na content creators, niyanig din ang venue ng mga hourly raffle draws kung saan ipinamahagi ang mga high-tech prizes tulad ng AirPods 4, JBL speakers, at iPad.
<img style="width: 100%;" src="https://imagedelivery.net/H6_s_Eb_ylTWnSEV3HlmYQ/prd/ea06acf1-c908-48e5-90ef-79a34309f71d/public" alt="Isa sa mga nanalo sa hourly raffle draw sa Davao Whisky Park noong Aug. 14, 2026.
” />
Lalo pang nag-init ang entablado nang magpatawag si Zeinab ng isang viral TikTok dance-off. Dito ay nag-uwi ng tumataginting na ₱10,000 cash prize mula sa Casino Plus ang mga mapapalad na nanalo, habang hindi naman umuwing luhaan ang iba dahil namigay rin ang influencer ng consolation prize.
Humanga naman si Zeinab sa ipinakitang diskarte at bayanihan ng mga contestants na nagtutulungan pa para maalala ang dance steps — isang patunay na ang Davao City ay isa sa pinaka-friendly na lungsod sa buong Pilipinas.
“Ang galing nila, hindi sila nate-threaten! Kahit magkalaban sila, nag-agree,” sabi ni Harake Parks, matapos kumpirmahin ng ka na naperpekto ng kalaban ang dance routine.
Para sa libo-libong dumalo, ang gabi na ito ang pinakatampok na bahagi ng kanilang Kadayawan celebration. Ang mag-irog na sina Anthony at Zara ay lumipad pa mismo mula sa Maynila makita lang nang malapitan ang kanilang idolo.
“Masaya! Sobrang saya. Pati ‘yung mga booths, lalong-lalo na ‘yung mga games, ang ganda. Siya rin ‘yung reason bakit kami nandito,” ani Anthony. “Enjoy dito kasi napakaraming prizes!” dagdag naman ni Zara.
Maging ang ilang foreigner ay hindi nagpahuli sa gulo ng saya! Isa na rito si Yuri, isang Russian expatriate na naninirahan sa Davao na sumubok sa mga palaro at nanalo rin ng papremyo. “I really enjoyed it!” masayang giit niya.
Ang matagumpay na Kadayawan activation na ito ng Casino Plus ay buhay na patunay kung paano kayang pagbuklurin ang tradisyunal na kulturang Pilipino at ang makabagong digital entertainment sa iisang naglalagablab na entablado — upang lumikha ng mga makabuluhang karanasan para sa mga fans, komunidad, at buong sambayanang Pilipino.
RESPONSIBLE GAMING ADVISORY
In accordance with PAGCOR’s Responsible Gaming Code of Practice, Casino Plus wishes to remind all players of the following:
Gaming is for entertainment purposes only. It should not be considered a source of income or a means of financial relief. Players are encouraged to play responsibly and within their means.
Winning is never guaranteed. All gaming outcomes are determined by chance. Past results, including jackpot wins, do not influence or predict future outcomes.
This press release has also been published on VRITIMES



