Tuesday, July 22, 2025
HomeHot TopicsPNP RO-8, Iimbestigahab ang isang chat tungkol sa nangyaring sunog sa Pawing...

PNP RO-8, Iimbestigahab ang isang chat tungkol sa nangyaring sunog sa Pawing National High School

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police Regional Office VIII ang isang kumakalat na chat mula sa isang account na gumagamit ng pangalang “Harv Dumpy” kaugnay ng banta na may kinalaman sa naganap na sunog sa Pawing National High School, sa Pawing, Palo, Leyte.

Ayon sa nasabing mensahe, sinasabing simula pa lamang ang naganap na sunog sa naturang paaralan. May babala rin na maaaring may kasunod pa itong insidente, na maaaring maapektuhan na ang mga estudyante at guro.

Nagdulot ito ng pangamba sa kaligtasan ng nasabing paaralan, pati na rin sa mga estudyante, guro, at mga empleyado nito.

Sa kasalukuyan, naka-blotter na ang nasabing mensahe sa Palo Municipal Police Station at nagsasagawa na ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng naturang troll account.

Ayon naman sa opisyal na pahayag ng Palo Police Station:

Nilinaw ng Palo Municipal Police Station (Palo MPS) na wala pang opisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) tungkol sa sanhi ng sunog sa Pawing National High School noong Hunyo 18, 2025.

Samantala, kumakalat online ang isang screenshot ng pagbabanta mula sa account na “Harv Dumpy,” na umano’y umako sa insidente at nagbanta pa ng pambobomba. Agad itong inimbestigahan ng Palo MPS, kabilang na ang cyber tracing at follow-up investigation sa mga guro.

Mariing kinondena ng kapulisan ang pananakot at tiniyak ang mahigpit na koordinasyon sa mga ahensya para sa seguridad ng publiko. Pinayuhan ang publiko na hintayin ang opisyal na ulat at huwag magpakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon.

Source: DYXV 98.3 MAGIK NEWS FM TACLOBAN

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisment -

Most Popular

Recent Comments